FRANCISCO
BALAGTAS
Ang Hari ng Balagtasang Pinoy
1788-1862
Isinilang si Francisco Baltazar
noong Abril 2, 1788 sa nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ginawang "Balagtas"
ang apilido ni Franciso dahil sa kautusan ng Gobernador Heneral na gawing
kastila ang mga pangalang katutubo noong 1849. Si Francisco ay anak nina Juan
Baltazar at Juana Dela Cruz, at ang kanyang mga kapatid ay sina Felipe, Concha
at Nicolasa. Si Francisco ay ikinasal kay Juana Tiambeng ng Orion, Bataan at
nagkaroon sila ng pitong anak.
Maralita lamang ang buhay noon ng
pamilya nila Francisco. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay
isang karaniwang maybahay. Si Francisco ay pumasok sa kumbento ng kanilang
kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at dito ay natutuhan niya
ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay
ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Francisco ang mga
usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa
nito sa kanyang murang isipan.
EDUKASYON
Noon pa man ay may ambisyon na sa
buhay si Francisco at inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan,
kaya naman humanap siya ng paraan kung paano siya makakaluwas ng Maynila upang
doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong
kamag–anak na mayaman, na naninirahan sa Tondo at maaari siyang pumasok dito
bilang utusan. Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Francisco sa kanyang amo kaya
pinayagan siyang makapag-aral. Nag-aral siiya sa dalawang eskwelahan sa
Maynila.
Colegio de San
Jose- natutuhan ni Francisco ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geograpiya
at Doctrina Cristianna.
Colegio de San
Juan de Letran (1812)- natapos ni Francico ang mga karunungang Teolohiya,
Pilosopiya at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may –
akda ng Pasyong Mahal.
PROPESYON
Noong
nag aaral pa lamang siya ay naging tanyag na sa pagsusulat ng mga liham ng pag
ibig para sa kanyang mga kaibigan at kamag aral. Naging guro niya si Padre
Mariano Pilapil, ang Bantog ng may akda ng "Pasyon" na siyang
humikayat sa kanya sa paggawa ng tula. Nakilala at naging kaibigan ang makatang
si Jose dela Cruz na kilala sa katawagang Huseng Sisiw.
Sa
paglipat sa Pandacan mula Tondo, Maynila taong 1836, naging hanapbuhay ang
pagsusulat ng mga awit, korido at moro moro.
Nakilala
at umibig kay Maria Asuncion Rivera subalit pinakulong ng mayamang karibal na
si Nanong Kapule. Habang nasa kulungan ay naging inspirasyon ang nararanasan
upang isulat ang ulang Florane at Laura ng nagsasalaysay ng kabiguan ng
magsing-irog.
Nakalaya
ng taong 1840 at pinagpatuloy ang pagsusulat ng mga tula at dula. Neging
eskribyene ng hukuman at nadistino sa Udyong (ngayo'y Orion), Bataan.
Nagpakasal
kay Juana Tiambeng taong 1842 at nanungkulan bilang Punong Tinyente ng bayan.
Naging
Hukom ng lupain at naging tagapag salin ng wika ng hukuman. Muli na namang nabilanggo
ng apat na taon dahil sa pagkalbo sa isang katulong ng isang mayaman at tinapos
ang kanyang sentensya sa piitan ng Bilibid ng Maynila.
Sa
huling taon ng kanyang buhay ay nagpatuloy sa pagsusulat ng mahigit sa isang
daang tula, dula at katha. Namatay noong ika 20 ng Pebrero 1862 sa Orion,
Bataan.
BUHAY BILANG
MANUNULAT
Natuto
siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing ring
hamon kay Francisco para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Kinalaunan
ay higit na dinakila si Francisco sa larangan na panulaan. Taong 1835 nang
manirahan si Francisco sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang
Florante at Laura.
MGA AKDA AT
PARANGAL
Ang
kauna-unahang tulang nagbigay sa kanya ng karangalan bilang “Isang Makata” ay
ang “Pagsisisi” sinulat niya ito ng siya ay nakatira sa Tundo.Nagsulat siya ng
mga Moro – moro, awit at korido at mga tulang nauukol sa ibat – ibang okasyon.
Bukod sa “Florante at Laura” ay nakasulat siya ng iba pang awit at korido gaya
ng mga sumusunod:
La India
Elegante y El Negrito Amante
Clara Balmori
Almanzor at
Rosalina
Orosman at
Zafira
Mahomet at
Constanza
Bayaceto at
Dorlisca
Auredato at
Astrone
Don Nuno at
Zelinda
Nudo Grodeano
Rodolfo at
Rosemundo
Abdol at
Miserena
Ang
“La India Elegante y El Negrito Amante” ay isang dulang parsa na may mga tauhan
at tagpong Pilipino. Tanging ang dulang ito ang may mga tagpong nangyari sa
Pilipinas. Ang ibang mga dula ni Balagtas ay naganap sa ibang bansa at ang
tauhan ay hindi Pilipino.
Ang
“Almanzor at Rosalina” ay isang Moro – moro. Itinanghal ito sa Udyong Bataan
nang labindalawang araw.
Bibliography
Reocities.
(n.d.). Retrieved May 3, 2014, from Reocities:
www.reocities.cm/rainfrest/9909/balagtas.html
Sulyap sa Yaman ng
Lahi. (2007, October 11). Retrieved
May 3, 2014, from blogspot:
sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-francisco-baltazar.html
Talambuhay ni
Francisc Balagtas. (n.d.).
Retrieved May 3, 2014, from aboutfilipino:
http://aboutfilipino.com/mga-halimbawa-ng-talambuhay/talambuhay-ni-francisco-balagtas